penpencilcrayolas

November 5, 2012

Nakakamiss# Pila pag enrollment for Semesters

Filed under: Uncategorized — pENpeNCilsCrayolas @ 7:24 am
Shalom Jayne Jacinto Domingcil
Ang haba ng pila. Walang hanggan!! Nastress nman ako.. >.<“

 

Dahil sa shout ng aking pinsan na parang nasa eksena ng enrollment process para sa second semester.

Naalala ko ang aking eksena sa UPBaguio sa office of Registrar.

Mahaba ang pila sa mga Major subjects at sa nag aagawang  Electives at mga NatScis or SocSci’s subjects. Ganon pa man ang mga eksenang iyon ay wala lang sa akin .Sa akin na iyon na responsibilidad na dapat gawin . Dahil bago pa iyon ay natapos na ng mama at papa ko ang kanilang parte ang maihanda ang tuition ko pang enroll. 

Hindi natin alam na bawat singkong duling ,pinag hihirapan . Minsan puro lang tayo reklamo sa pila o di kaya nakakainis na subject o professor na makukuha. 

Bago ba iyon e nag nilay muna tayo san nakuha ng mga magulang natin ang ating perang pang aral?

Si mama at papa tahimik lang pag dating sa budget. Pero alam ko na pawis at puspusang trabaho ang puhunan nila sa pag papaaral sa akin gamit ang pera inabot sa akin para sa aking pag aaral.

Si papa: Trabaho padin kahit linggo , nag tuturo siya ng Masteral at mga Doctorate students sa school.Madalas nga kahit bakasyon may pasok parin siya at inaasar ko na ” sabado ala ka nasa NSTP ,pati padin sunday ala ka?” . Biro ko yon ng naka ngiti pero alam ko na ang ibig sabihin noon ” dala ang back pack na puno ng papel at ang motor na single ” asahan mo na si Papa ay aalis para magturo kahit weekends. 

Pag dating sa gabi  , sila ni mama ay dublr kayod padin . Para magkaroon ng extra income , nag “proproduce ” nga sila ng materials for Reviews na binebenta naman sa mga gusto maka pasa. Hindi na rin masama para sa mga magulang kung guro na maka kita ng kahit munting barya .Nakatulong iyon para pag aaral namin kahit na inaabot na ng madaling araw ang maingay na “stencil printer ni papa at mama sa sala”, alam namin para sa amin iyon. (Sorry nga pala mama kung tamad ako magturo paano gumamit ng computer noon, self learning nga naman kasi ang practice ko sa buhay”, Ganoon pa man see how independent we are -we stand on our own chosen life”)

Hindilang iyan ang mga hirap ng magulang sa pag papa aral sa atin ,wala pa sa kalahati ng pila na nirereklamo natin tuwing enrollment.

Kaya tiyaga lang sa pag pila at matatapos din  naman ang pag kuha ng mga subjects para sa iyong next semester. 

Kung tutuusin wala tayong karapatan mag reklamo kasi ang mga sarili magulang nga natin nagpakapagod sa pang aral natin sige lang ng sige sa buhay mairaos lang ang bawat semestre natin sa Unibersidad.

At sa bawat mga estudyante na kung saan ay akin ring pinag daanan ang inyong dinadanas ngayon. Isipin nyo nalng apat na taon lang yan sa loob ng eskwela at ano’t ano pa maabot niyo rin ang inaasam na diploma.

Salamat Lord sa lahat ng gabay, talino at lakas sa akina t sa aking mga magulang noong ako ay pinag aaral nila . 

Bilang bunga, ito naman ang aming handog na tatlong Magkakapatid!

Ang aming tagumpay na magkaroon ng Edukasyon na pangarap ng bawat magulang sa kanilang anak.

Makatapos:)

Image

 

Marie Joy Madrid

Graduate: Mass Communication major in Journalism with Broadcast(minor)

University of the Philippines Baguio 2003-2007

 

 Image

Maricel Madrid

Graduate: University of Baguio

Bachelor of Science in Nursing

Image

Mr Romeo Madrid II

Graduate: Far Eastern University

Bachelor in Accountancy-Internal Audit Accounting

 

To God be the Glory!

Amen.

Advertisements

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: